Wednesday, 10 April 2019

Huwag Kang Hihinto

Kapag di na maganda ang katayuan ay kailangan ng maglakad... Ang pagkamit ng balanse sa buhay ay tulad ng pagsakay ng bisikleta... Kailangan mong patuloy na pumadyak para makamit ang balanse at umusad... Huwag kang hihinto.

Kapag malabo ang kuha ng camera ay kailangan mong ayusin ang pokus nito at baka sakaling luminaw... Ayusin ang lente hanggang sa makuha mo ito... Kung mahirap at pagod ka na, pwede kang magpahinga pero... Huwag kang hihinto.

Kapag nagmamaneho may isang laging aral ang aking ama sa akin... "Wag ka magmadali... makakarating ka rin." Ito ay ginagamit kong gabay sa pang-araw-araw na buhay at hindi lang sa paglusong sa lansangan... Huwag kang magmadali pero hanggang sa makarating ka sa paruruonan ay... Huwag kang hihinto.

No comments:

Post a Comment