Hindi
ko alam kung saan ako magsisimula…
Ang
alam ko lang ngayon ay nasa mas mabuting kalagayan na ako… Hindi dahil
wala ng problema pero dahil tanggap ko na kung ano ang sitwasyon ko ngayon…
Hindi man tulad ng dati pero masaya na ako kung nasaan ako… Kung ano
meron at hawak ko… Mahirap pero laban lang… Sige lang… Sige lang ng sige
hangga’t mas gumanda ang kalagayan… Hindi ko alam kung kailan pero isa lang ang
sigurado ako, magiging mabuti din ang lahat…
Sa
nagbabasa neto, salamat at umabot ka dito… Naglalabas lang ako ng nasa isip at
puso ko… mga damdaming matagal kong sinarili… Kala ko hindi ako aabot sa punto na ito. Para makapagsulat ako neto ay ibig sabihin ay lumaban ako… hindi pa
nakamit ang tagumpay pero nandito pa ako para makapagsulat… (Part 1)