Monday, 17 September 2018

My heart is full @ 31

Very few people knew that the past year had been a survival year to me... I knew there was a problem... It was so big none of my partners combined can resolve it... We lived month by month... week by week... and up to day by day...
When you’ve dedicated your life to the dream you’ve built, it was painful to witness it slowly crashing down despite risking everything, your name, your life and even your family... I almost gave up... I almost gave up on life... But one thing held me up, it was God’s grace by reminding me of the people who love me and whom I love. Giving up on life is like giving up on God and the people who have faith in you.
Maraming salamat sa lahat ng taong naniwala sakin sa mga panahong ako mismo ay napanghihinaan na ng loob... Salamat brad Arvin Buensuceso, walang iwanan! To Mark Lico & James Mackay, no words can describe how grateful I am to both of you guys. To Ramil Maniulit and Armilla Ophelia, thank you alam niyo na kung bakit. To Jerome Dolom, salamat sa mga panahong wala akong pangkain at pamasahe pauwi... I’m doing this because I want the whole world to know how thankful I am to all of you! You guys gave me a lifeline...
At sa aking pamilya, halos tuwing umuuwi ako nag-iiyakan tayo sa laki ng problema. Kayo ang aking una at huling sandalan...
Higit sa lahat kay God... Grabe ka Lord! I did not understand then why we experienced what we experienced but I had faith. I always knew this was your plan and you have better plans for us... After surviving the lowest point of my life, I’m excited for what you have in store for all us!!! ❤️

Saturday, 16 June 2018

Tuloy ang laban


Hindi ko alam kung saan ako magsisimula…
Ang alam ko lang ngayon ay nasa mas mabuting kalagayan na ako… Hindi dahil wala ng problema pero dahil tanggap ko na kung ano ang sitwasyon ko ngayon… Hindi man tulad ng dati pero masaya na ako kung nasaan ako… Kung ano meron at hawak ko… Mahirap pero laban lang… Sige lang… Sige lang ng sige hangga’t mas gumanda ang kalagayan… Hindi ko alam kung kailan pero isa lang ang sigurado ako, magiging mabuti din ang lahat…

Sa nagbabasa neto, salamat at umabot ka dito… Naglalabas lang ako ng nasa isip at puso ko… mga damdaming matagal kong sinarili… Kala ko hindi ako aabot sa punto na ito. Para makapagsulat ako neto ay ibig sabihin ay lumaban ako… hindi pa nakamit ang tagumpay pero nandito pa ako para makapagsulat… (Part 1)